Ika-walo ng Gabi

Isa-isang binilang ang mga brilyante sa kalangitan
Hinugis nang maigi ang nagliliwanag na buwan
Hindi makasampu, uulit ba o bubuo na lang
Ng sariling konstilasyong sa iyo na lang ipapangalan
Mga brilyanteng kumikinang-kinang
Hanggang kailan ka mahahagkan!
Mahawakan man lamang ang init ng iyong katawan
Bulalakaw ay pilit pa ring inaabangan
Sa kanya na lang umaasang hiling ay mapatotohanan
Kailan ka dadaan, inaantok na ang mga matang naiwan
Kailan ka dadaan, lumilipad sa harapan
Sa kalangitan, pilit inaaninagan
Mga ulap ay matagal ng lumisan.
Hindi na kinumutan
Ang kalangitan sa pagnanasang ikay masisilayan
Hanggang sa mapapikit na lang at sa panaginip mahagkan.

Leave a comment